Pag yumaman ako magtatayo ako ng charity para sa mga bulag. Counterpart ito ng “Tahanang Walang Hagdan.” Tatawagin ko itong “Tahanang Walang Larawan”. Naks. Pang soap opera ang dating!
Sana bulag na lang ako para hindi ako nagsusuffer sa mahapdi kong mata ngayon. MAsakit at namumugto…Pero ang lungkot siguro kapag wala kang nakikita… LAging brownout.. Hindi mo ma distinguish ang araw sa gabi.. Paano kaya sila nagpapalit ng underwear? Paano sila gigising dahil umaga na?
May mga bulag kaya na takot sa dilim?
Wala na yata akong 20/20 vision. Dinadaya ko kasi ang snellen chart tuwing may vision exam ako. Kabisado ko na kasi ang snellen chart. Yun yung malaking papel sa dingding na may nakaprint na malaking letter “E”. Kawawa naman pala ang mag bulag, hindi nila alam ang itsura ng snellen chart… Pakainin kaya natin sila ng maraming CAROCH, may chance kaya?
Hindi ako kumakain ng gulay nung bata ako. Bukod sa walang lasa, lahat ng gulay ay lasang halaman. (hahaha lasa pa din yun diba? Lasang halaman nga lang).. Eventually unti unti rin akong natuto dahil panay gulay ang ulam sa bahay.
Sa lahat ng gulay, ayoko ng okra. Madulas kasi. Ayoko rin ng CAROCH. Tawag ko yan dati sa “carrots” nung bata ako. CAROCH. Sabi ni nanay, masustansya raw ang caroch. Rich in Vitamin A raw. Peste, kahit rich in Vitamin XYZ pa yan, walang pilitan. My menu is not your menu.
Nakapag audition na ako noon sa tatlong bigating radio station as DJ. But I realized na hindi ko na pala gustong maging DJ. Nag shift ako sa kagustuhang maging CAMERAMAN. Sige, VIDEOGRAPHER para mas cool pakinggan. Alam kong imposible nang mangyari yun. Wala kasi akong 20/20 vision. Dapat sa mga ganyang trabaho perfect ang eyesight mo. Bawal maging videographer ang mga nandadaya sa snellen chart. Haay.. kung noon pa lang kumakain na ako ng caroch, edi sana malinaw pa rin ang mata ko, na kahit lamang loob ng tao nakikita ko. Hahaha. Parang x-ray.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento