Miyerkules, Setyembre 28, 2011

Ginawa ba Talaga ang Amusement Parks to Amuse?

Since childhood I've hated amusement parks. Tuwing sasakay ako ng mga rides nahihilo ako. Hindi nakakaenjoy.


Pero naisip ko, "siguro dahil bata pa ako noon kaya di ko naeenjoy ang amusement park.." That's when i give amusement park a second chance..

Last saturday i, together with my buddies John, Bill, Eric and Zander went to Enchanted Kingdom. It was my first time there. Mejo nahihilo pa ako sa byahe nang biglang nagyaya ang mga tropa ko na sumakay agad sa flying fiesta. Para akong namumutlang daga after ng ride.




Hindi pa ako nakakarekober nang biglang nagyaya naman sila sumakay sa ANCHOR'S AWAY. After sumakay akala ko katapusan ko na. Naluluha ako sa sobrang hilo at parang gusto ko na isuka ang atay at mga lamang loob ko.

I envy all the people who could stand those kinds of rides. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ako pinanganak na hindi naeenjoy ang mga amusement parks.





Inimbento ang amusement parks para hiluhin, balibaliktarin, kawawain, pagtripan, laspagin at gawing human torture ang mga sumasakay sa mga rides. waaaahh

(disclaimer: i have nothing against Enchanted Kingdom, naenjoy ko naman yung rio grande, bump cars at 4D eh.. hehehe peace out.)






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento