Dahil sa iskandalong dulot ng martilyo gang ay iyak-tawa ngayon ang Ace Hardware at True Value dahil bawal na sila maglako ng martilyo. Samantala sa Watsons at Mercury Drug pwede pa rin daw ibenta ang martilyo-let (medyo waley to hahaha).
Ang talino talaga ng gobyerno natin at naisip nila ang pormula, "Tara i-ban natin ang martilyo para di na ito maulit". Anak ng tinapa di ba? Sarap martilyuhin ng hammer ni Thor ang nakaisip nito. Hindi ba nila naisip na pwede rin naman pangpukpok sa salamin kung san nakalagay ang mga alahas using a can opener? O di kaya baseball bat, malaking lyabe, at wooden stick na pangkamot ng likod? Bale next time sisikat na ang jack hammer at chainsaw gang.
Ayun, pati sumbrero at shades idinamay. Baka daw kase hindi marecognize ng CCTV yung mga -- w-wait, what CCTV??
Sa pagban ng shades at sumbrero, worried tuloy ako kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ni Randy Santiago at April Boy.
At usapang bawal sa mall naman ang topic natin mas marami akong bagay na alam ipagbawal kesa shades, sumbrero at martilyo.
1. Mga Jejemon
Sige bawal ang cap, but jejemons are jejemons with or without that jeje cap! Dapat sa entrance pa lang ng mall may proper training na ang mga guards kung paano makakaidentify ng jejemon para di sila papasukin. Sa Market Market punta kang 5th floor may grand EB ata sila every weekend. Minsan nagiiwan pa ng kalat.
2. PDA
Bawal ang PDA sa mall! Etong mga to ansarap iexile sa malayong paraiso kung saan pwede silang gumawa ng civilization. Sa mall talaga? Really? Guys get a room. Si girlaloo kung makakapit sa boylet akala mo sloth.
3. Sirang escalator
Eto hate na hate ko. Yung tipong iikot ka sa buong mall wag mo lang daanan ang sirang escalator. Pag dumadaan kasi ako dun nahihilo ako. Basta may ganung effect siya sa psychological at physiological aspect ko.
4. Pentel pen
Yung mga CR puro vandal grabe effort nagdadala talaga ng pentel ang mga kumags para isulat ang cellphone nila at isulat ang kung anu-anong kalibugan. Kaya nga naimbento ang facebook para dun ka na lang sa wall magpost ng hinanakit mo. Yung iba feeling artist pa makadrowing ng male and female genitals hindi naman accurate.
5. Networking
Madali silang maidentify. Usually a group of 5-7 people tas isa o dalawa sa kanila may dalang laptop tas the rest may notebook at may sinusulat. Tapos pag sumilip ka sa laptop may makikita kang power point presentation ng sabon, gamot, slimming pills, herbal meds, pampapayat, pampakapit etc. No offense meant sa mga nagnenetworking ha. Pero please naman wag nyong sakupin ang buong food court at coffee shops.
Kala ko ba in 3 months time yayaman na? Edi sina afford nyo na magpameeting sa hotel or sa star city para sosyal or sa UP para presko.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento