Hindi ako biniyayaan ng good looks. Nung nagsaboy ang Diyos ng kagwapuhan, tulog ako. Pero when He showered confidence, i was so prepared that i had a drum with me. Kaya never kong pinangarap maging artista. Pangarap ko lang maging isang sikat na personality. At naisip ko na ang pinaka shortcut to fame ay ang mga gameshows.
Early 2000 nagsimulang umusbong kaliwat kanan ang mga gameshows. Mas maganda nga namang panoorin ang mga tao on their natural response to stimuli. May aliw at entertainment factor. Not scripted kaya unpredictable ang kalalabasan. At yung moment na habang nanonood ka ay mapapasabi ka ng "ay ang tanga mo!" o di kaya naman sinisigaw mo na yung sagot, "Letter B!!!" as if naririnig ka ng contestant eh hindi naman live.
I utilize my confidence in joining game shows and contests. Gameshows are my guilty pleasures.
Sa una, oo bilang stepping stone sa inaasam kong limelight. Pero eventually, unti unting tumitimo sa aking balintataw ang true essence of being a gameshow contestant. Ang papremyo.
Jackpot man yan o consolation prize, pera man o face cream na galing sa Bench na pinamigay nung sumali ako sa The Price Is Right, O di kaya naman waffle sa 1 Vs 1000 or Shawarma sa GameKnb bilang pameryenda sa mga contestant.. Ang premyo ay premyo. Mamatay na ang sumasali sa gameshow at pag natalo ay sasabihin nyang "Hindi ko naman talaga inasam na manalo, ang mahalaga ay may natutunan ako..blah blah ay makasama ko kayo blah blah at maging proud ang mga magulang ko sa aken oink oink.." MUKHA MO.
I think pwedeng gawing trabaho ang pagiging game show contestant. Para lang yang contractual job na “NO WORK, NO PAY” ang set-up. Parang real estate agent na once maka-jackpot sa benta, tiba-tiba agad. Ganun din sa pagsali sa game shows. Tiyagaan. Pag nanalo, boom! Instant milyunaryo. Pero tandaan, isinasabak mo ang buong oras at pagod mo sa pila, screening at auditions.. Maliban dun, isinasabak mo din ang buong pagkatao mo, mula sa posibleng kahihiyan na makita ng mga tao mula sa’yo on national TV.
Job Title: Part Time Gameshow Contestant.
Why not? Nagbabayad rin kami ng tax. Imagine, pag nanalo ka ng 100 thousand ang maiuuwi mo lang ay papatak sa 70-80K. Unless may disclaimer yan na "tax free." Isa ka sa nakikinabang sa kaban ng bayan na umaasa sa easy money dahil sa gameshows, tapos sisingilin ka pa sa tax? Eh ang namimigay naman ng premyo e yung mga sponsors nung show. Meron pang rule na kapag less than 10K ang premyo mo, pwede mo na siyang iuwi after the taping/live show. Pero pag more than 10K na yan, after 1 to 2 months mo pa yan makukuha sa cashier. I have a friend, Carol whom i brought with me in The Price is Right na nanalo ng tumataginting na 5K at naiuwi nya ito kaagad. (Pero ang literal na naiuwi nya sa bahay ay 3K dahil nilibre nya kaming 9 na kasama nya after nung taping hihihih..) Kaya next time na mabalitaan mo yung kaibigan mong nanalo ng 50K sa isang noontime show, wag ka muna umasa sa balato. Wala pang iuuwi yan. Nganga muna for a month.
Plano mong maging isang Part Time Gameshow Contestant? Bibigyan kita ng tips.
MAGTEXT. Hindi kukuha ang tv gameshow ng record ng pangalan mo sa BIR o census para mabunot at maging instant contestant. Digital na ang registration ngayon. Most of them require you to text. Just have an eye for details. Minsan hindi valid ang text registration pag mali ang code.May cellphone ka di ba? Lahat tayo meron. Ano naman ang 2.50 sa isang one time registration? I remember when i registered for Game Knb nung si Kris Aquino pa ang host at solo pa bawat contestant. After some time when Edu Manzano took her place saka pa lang ako nakareceive ng text invitation to audition for the show and i was asked to bring 2 companions. See, may bunga ang paghihintay. Well I didnt really wait for it since i thought balewala na yun, pero gumising na lang ako isang araw na tinawagan ako ng talent coordinator.
PUMILA.Yung iba nirerequire pa pumila mismo sa studio, as audience tapos bobolahin ka na lang pag nandun ka na mismo. Parang sa Eat Bulaga at Showtime. Hindi lahat ng nandun, audience na gusto lang manood ng live. Ang iba, andun at nagbabakasakaling mabunot, mapili at manalo. Dapat pogi at maganda ka. Wear your Sunday dress. Magpulbo, magretouch, mag ayos ng sarili. Sa maniwala ka o hindi, mayroong facial discrimination sa tv. Malamang para ganahan ang tao na makita ka.Nung mag sample sample ako sa Showtime, hindi ko talaga inakala yun. Thanks sa mga kaibigan kong ibinenta at ipinakanulo ako kay Kuya Kim kapalit ng robotics dance na ginawa ko on National TV. Anne Curtis commented na kay Kuya Kim ko daw natutunan yung sayaw ko hahaha
KONEKSYON. Ngayon pa lang maghanap ka na ng kaibigan o kamag-anak ng nagtatrabaho sa TV network. May ibang reality shows diyan na sasalihan mo tapos nung nakita mo na yung mga napiling contestants, hindi mo naman sila nakita sa audition. At meron naman talaga silang "special auditions" para sa mga models na may kanya kanyang handlers at agency. Deal with it. You dont wanna watch Survivor or Pinoy Big Brother pag puro pangit ang casts. There has to be at leat 2-5 goodlooking people in the group. Eye candies.
When i joined 1 vs 100, it was an accident. My former professor who used to be a Deal or No Deal contestant received a text from a talent scout and she was looking for 10 dean's listers who will be part of teh 100 mob versus Piolo Pascual. At dahil makapal ang mukha ko at medyo may kataasan naman ang grades ko, nagprisinta akong sumali.
I used to work for MTV. Eh kulang ng talent, so they made me an instant contestant.It was filmed at Greenbelt 3. Dun sa may podium in front of starbucks. It was aired the following week and my brother saw me dancing Soulja Boy.
FLEXIBLE SCHEDULE. I was in a call center when i started this kind of job. During our exams for Game Knb it was
11am. Ang out ko nun 7am, i took a nap for 2 hours then derecho sa ABS-CBN. Partida pa, may shift ako kinagabihan. Natapos ang screening ng 4pm. Borlog ako nun. On the taping day i was late to work for 2 hours. Nagalit ang supervisor ko nun. Pero they didnt know na defending winner na kami nun so parang di namin naabsorb yung galit ng boss dahil nanalo kami. It was just hard keeping it as a secret to your friends until the day of airing of your episode. On my Minute to Win it try out na natapat ng Tuesday, i had to work on a Saturday just to have a rest day that Tuesday. May kaunting sakripisyo. May effort. Ang premyo o kahit ano pa mang reward yan ay hindi darating sayo kapag walang manifestation of passion.
SPOILER ALERT. OO kahit ganito ako, marunong akong magtago ng sikreto. Tulad ng naishare ko kanina, our Game Knb success was a secret until the day it was aired. On the first episode we ended up winning and so the show had to continue our defending winner episode on the following day. My family and friends asked me, "so ano mangyayari bukas?". Ooops. sorry. My lips are sealed. Wala akong choice. May piniramahan kaming kontrata na wag muna itong ipagsasabi kahit kanino. Saka it's for your own good naman. Your friends and family will surely watch it since curious sila sa outcome ng game mo. I did the same thing during my 1 vs 100 stint. They didnt have a clue until i got eliminated from the 36 remaining mobs.
MALAKAS NA SIKMURA. Pipila ka ng pagkatagal tagal. Dapat hindi ka gutumin. Always bring a biscuit with you. Ako i always bring eggnog on my auditions. Bawal kasi ang foods sa studio, well at least kung eggnog ang dala mo, you can just put it in any corner and pockets of your bag. Bawal din ang bottled water so make sure you sikmurang Camel ka.
MAKAPAL NA MUKHA. Wag kang mag-aaudition sa Minute To Win It o Hole In The Wall kung ayaw mong maging katawa tawa. Parte ang embarassment diyan. Bakit pag nanalo ka ng isang milyon matatandaan pa ba nila na nahulog ka sa tubig una ang apdo? Kakausapin ka ni Kris Aquino o ni Edu Manzano tapos speechless ka? Not so good to watch. Ang hinahanap ng mga talent coordinator ay yung makakapal ang mukha. Yung feeling close sa lahat ng staff. Oops careful lang ha. There is a thin line between confident and annoying. Marami akong kilalang ganyan. Yung nakasabay kong nag audition sa Minute to Win It na feeling close sa lahat ng staff, 5K lang ang naiuwi.
EXAMS AND INTERVIEWS. Magdala ka ng bolpen. Lahat ng pakontes may fifill-up-an na form. Oh remember, single or married ang ilalagay sa CIVIL STATUS ha, hindi FILIPINO. During the screening sa Game KnB there were 50 plus teams who took the exam. And sa course ng screening may mga natatanggal agad. Luckily, my team made it. Before the live show sa The Price Is Right, isa isa kayong magpapakilala sa talent scout.
PRACTICE.Kung quizshow yan, review. magbasa basa. Sa 1 vs 100, I got eliminated after the question: Sino ang pinakamatandang member ng Apo Hiking Society? If it requires a physical skill, try mong mag jogging sa umaga or mag-inat inat. Practice what you see on tv. Practice the mechanic. Be ready, coz some of the auditions have "mock game" Pag sinabing MOCK GAME, paglalaruin ka ng dry run pero hindi pa taped or aired. For audition purposes lang. They will assess you on how you perform para may idea sila kung papaano ka maglaro sa actual game.Masaya ka ba panoorin? Sulit ba ang air time na iaaksaya nila sayo kapag ikaw na ang maglalaro? Tataas ba ang ratings sa episode mo? May chance ka bang manalo?
KWENTO NG BUHAY MO. Bago ka sumali sa gameshow i-assess mo muna yung sarili mo. Interesante ba ang buhay mo? Kung hindi, i-try mo bukas umakyat ng bill board. Ayan, may baon ka nang kwento. Ano yung bagay sa buhay mo na bebenta sa kanila? Weird ba yung trabahomo? ikwento mo. wala ka bang butas sa pwet? ilantad mo. May sipon ka ba? idolfenal mo.
Walang masama kung medyo dadagdagan o babawasan mo yung kwento ng buhay mo. White lies. Halimbawa nahulog ka sa bike when you were young. Pwede mo ikwento na simula noon bumaba ang self esteem mo at hindi mo na pinagkatiwalaan ang sarili sa bisikleta at ang epekto nito ay pagbaba ng grades mo na naging sanhi ng tampuhan nyo ng tatay mo. Yung tipong ganyan.
ANO ANG GAGAWIN MO SA 1 MILLION? sa lahat ng sinalihan ko,ito yung question na hindi mawawala. "Tutubusin ko yung nakansalang bahay namin", "Pag-aaralin ko ng mga kapatid ko", "Papagawa ko po ng pustiso ang nanay ko" ay ilan lang sa mga nailagay ko ng sagot sa tanong na yan. Pagnilay nilayan mo to.Baka naman you are not deserve of that, ibalato mo na lang sa mas nangangailangan. Wag mong ilalagay na sagot ang "Ipaparenovate ko po yung swimming pool namin" o di kaya "bibili po kami ng bagong chandelier".
Sana nakatulong ako. Based ito sa sarili kong karanasan kaya medyo reliable naman. Basta enjoy life to the fullest. Pangit pag boring ang buhay. Sa pagsali sa mga palarong ganito, nag enjoy ka na,may chance ka pang manalo.