Kahapon we were at Dads Glorietta for a merienda buffet with my officemates and trainers. As we get food I noticed that we have different choices of foods on our plates. I had 4 siomai and a siopao while my other workmate just had few palabok and some cream puff. Then a question from nowhere came to me: "do the foods we get from the buffet reflect our personality?" Look, there were bunch of foods served in the buffet, but we were free to get what we want, kung gaano karami, gaano kakonti, mas maraming palitaw kesa turon o mas maraming pasta kesa lumpia.
We were 18 in the table, but each had a unique combination of foods. Walang magkapareho. Kumbaga sa lotto, iba iba kami ng numerong tinayaan. Yung food na ayaw ko, nasa plato nung isa, pero yung mga food na gusto ko wala naman sa plato ng katabi ko. And then I came up with this blog. Ano nga kaya ang misteryong nakatago sa kaibahan ng mga pagkaing ating kinukuha sa buffet?
Eto ang aking mga teorya:
PASTA: mas marami ang spaghetti kesa pansit ng mga batang lumaki sa Jollibee at Mcdo. Mas sanay silang nakakatikim ng tidbits ng karne na my cheese sa spaghetti kesa mga ginutaygutay na manok at gulay na nasa pansit. Yung mga kumukuha ng lasagna at carbonara dalawa ang possibility jan – either sosyal ka talaga o first time mong kakain nun kaya hayok na hayok ka.
KARNE: eto yung mga taong sabik sa laman, sa pagkain man o sa totoong buhay. Matitibay ang mga sikmura nito dahil kahit anong karne kayang tunawin ng large intestine nila. Kung magkakaroon ng zombie apocalypse, isa sila sa mga magiging unang zombie. Kapag dumating ang tag-gutom, kahit kuto o alitaptap kaya nilang kainin.
GULAY: Kapag puro chopseuy, yan yung mga umattend lagi ng kasal at binyag. Masdan mo, laging may chopseuy jan. Pag may ampalaya, bitter yan. Kapag naman 80% ng plato niya puro laing, sanay yan sa hirap. Isa pa naman ang laing sa pagkain na parang inimbento lang ng ating mga ninuno nung panahong wala silang makain. Pero siyempre nag-jojoke lang ako sa alamat ng laing. No offense meant.
DESSERTS: Pag ilang beses kang bumalik sa buko pandan section green minded ka. Pag leche flan, leche ka. Kapag lumpiang hubad, alam na. hahahaha
KANIN: they are the true Asians. Can never eat without rice. Usually malalaki ang tiyan at masisiba yan. Tapos gagawin pa nilang rice topping yung sabaw ng mechado.
PRUTAS: kapag may grapes, mga tamad yan,gusto nila parang pika-pika lang ang kinakain, tamad ibuka ang bibig. Kapag naman saging, no comment na ako jan.
SEAFOODS: Simple lang ang explanation dito. Kung ano ang may pinakamalaking portion sa plato mo ng seafood, iyon ka nung past life mo. Kaya sa mga mahihilig sa tahong diyan. Dati kang tahong. Lonely tahong.
Buffet ang isa sa pinakaweird na bagay na naimbento ng tao. Oh well afterall lahat naman yan sa tiyan din maghahalo-halo kaya okay lang kung yung pansit lasang sabaw na ng katabing menudo o di kaya yung hotdog on stick nabahiran na ng icing ng cake. Imagine you combine pansit and spaghetti in one plate or yung leche flan katabi nung sunog na tilapia. Sarap. Bon Apetit!
photo sources:
http://www.clickthecity.com/hot-off-the-press/?p=4781photo2: http://www.howtogrillbook.net/how_to_grill_chicken.htmlphoto3photo4photo5photo6photo7: http://www.clickthecity.com/hot-off-the-press/?p=4781