Dahil sa iskandalong dulot ng martilyo gang ay iyak-tawa ngayon ang Ace Hardware at True Value dahil bawal na sila maglako ng martilyo. Samantala sa Watsons at Mercury Drug pwede pa rin daw ibenta ang martilyo-let (medyo waley to hahaha).
Ang talino talaga ng gobyerno natin at naisip nila ang pormula, "Tara i-ban natin ang martilyo para di na ito maulit". Anak ng tinapa di ba? Sarap martilyuhin ng hammer ni Thor ang nakaisip nito. Hindi ba nila naisip na pwede rin naman pangpukpok sa salamin kung san nakalagay ang mga alahas using a can opener? O di kaya baseball bat, malaking lyabe, at wooden stick na pangkamot ng likod? Bale next time sisikat na ang jack hammer at chainsaw gang.
Ayun, pati sumbrero at shades idinamay. Baka daw kase hindi marecognize ng CCTV yung mga -- w-wait, what CCTV??
Sa pagban ng shades at sumbrero, worried tuloy ako kung ano ang magiging epekto nito sa buhay ni Randy Santiago at April Boy.
At usapang bawal sa mall naman ang topic natin mas marami akong bagay na alam ipagbawal kesa shades, sumbrero at martilyo.
1. Mga Jejemon
Sige bawal ang cap, but jejemons are jejemons with or without that jeje cap! Dapat sa entrance pa lang ng mall may proper training na ang mga guards kung paano makakaidentify ng jejemon para di sila papasukin. Sa Market Market punta kang 5th floor may grand EB ata sila every weekend. Minsan nagiiwan pa ng kalat.
2. PDA
Bawal ang PDA sa mall! Etong mga to ansarap iexile sa malayong paraiso kung saan pwede silang gumawa ng civilization. Sa mall talaga? Really? Guys get a room. Si girlaloo kung makakapit sa boylet akala mo sloth.
3. Sirang escalator
Eto hate na hate ko. Yung tipong iikot ka sa buong mall wag mo lang daanan ang sirang escalator. Pag dumadaan kasi ako dun nahihilo ako. Basta may ganung effect siya sa psychological at physiological aspect ko.
4. Pentel pen
Yung mga CR puro vandal grabe effort nagdadala talaga ng pentel ang mga kumags para isulat ang cellphone nila at isulat ang kung anu-anong kalibugan. Kaya nga naimbento ang facebook para dun ka na lang sa wall magpost ng hinanakit mo. Yung iba feeling artist pa makadrowing ng male and female genitals hindi naman accurate.
5. Networking
Madali silang maidentify. Usually a group of 5-7 people tas isa o dalawa sa kanila may dalang laptop tas the rest may notebook at may sinusulat. Tapos pag sumilip ka sa laptop may makikita kang power point presentation ng sabon, gamot, slimming pills, herbal meds, pampapayat, pampakapit etc. No offense meant sa mga nagnenetworking ha. Pero please naman wag nyong sakupin ang buong food court at coffee shops.
Kala ko ba in 3 months time yayaman na? Edi sina afford nyo na magpameeting sa hotel or sa star city para sosyal or sa UP para presko.
Martes, Enero 7, 2014
Martes, Disyembre 3, 2013
Voices In Harmony 3
Bale last year may ganito rin kami with Globe. Naulit na naman. Sabe ko senyo sosyal kame kasi may budget kami sa mga ganyang kaganapan. This time sa Star Theatre kami. Hindi sa star ha, sa Star City.
Bale siya pa lang tao dyan. Astig yung upuan diba hindi monoblock |
Ayan dalawa na yung tao. |
Nababasa nyo? PERFORMER diba?? Sabe ko senyo eh performer ako. I can perform hahaha |
Doon po ang stage!!!! |
shooot may paparating.. artista ba yan?? |
si Dale lang pala. Bale magrerehearse siya ng naka-dress |
nagawa pang magpa-picture late na nga hahahaha |
Bale eto yung program. Naka-program na yan sa utak namin. Reminder lang yan in case we forget. |
Nagawa ko pang mag-selfie sa mga panahong ito. Pero hindi na siya selfie kasi dalawa na kami. Two-fie na. |
Nakakapagod mag-rehearse eh. Bale si Jello dito ayaw niya talaga ng food, pero no choice siya. |
Kitam pati siya walang gana kumain |
Bale eto yung rehearsal ng Globe. Medyo nasilaw ako dun sa pink na leggings ni ate |
Sa dressing room, medyo siesta muna kami. |
Balik tayo kay ateng pink yung leggings.. bale kinukwento nya rito ung saan nya nabili. Yung dalawang naka-red taga BPI yan, bale bonding bonding sila pag may time. |
para mawala ang antok, nagkape muna ako saka DOTA |
Bale sila yung beneficiary namen mula sa Tuloy Foundation. Kakarating lang nila. Buti na-tuloy sila. |
Samantala sa dressing room... |
Ritwal nila yan bago ang concert. Si Mam Virginia itinigil muna ang pagkukulot alang alang sa ritwal na gagawin nila |
Eto yung suot namin sa first set. Lakas maka-Chippendale no? hahaha |
Sila yung mga bakla na dala ni Mam Ana. Oha |
Mam Ana, pwede po magtanong? Naiihi na po kasi ako sa sobrang tense, saan po ang CR? |
Ahhhh.. awitin mo.. at isasayaw ko... |
Change outfit na for set 2! |
Bale yung isang audience, nakatulog siya. Ang lambing daw kasi ng boses ng choir.. |
"Pssssffffssstttt" -- spray |
oh ano Carlo, ayos na ba buhok mo? hahaha |
Bale eto yung dinner. Masarap siya. |
Sarap di ba Sir Lyzen? :) |
Sa backstage, isasalang na ulit kame. Medyo nakaka-tense kaya namula kami lahat |
Pasko na.. sinta ko..... dum dum dum.. dooo dooo doo ahhhhhhhhhh!!! |
Yehey tapos na!!!! Selfie na ulit :) |
Tenyu Mam Anna for conducting us :) |
Linggo, Agosto 18, 2013
Super Guni-Guni
Captain
America - Steve Rogers
Superman
- Clark Kent
Batman
- Bruce Wayne
Green
Lantern - Hal Jordan
The
Hulk - Bruce Banner
Iron
Man - Anthony Stark
Red
Maskman - Benj Ramos
I
thought ako talaga si Red Maskman. Akala ko isinilang ako upang ipagtanggol ang
naaapi. Akala ko kaya kong pagbuhul-buhulin ang mga magnanakaw at puksain ang
mga halimaw, mutants at aliens na nagkalat sa mundo ng mga tao. Impluwensya ng
mga maling akalang ito ang makapangyarihang media -- telebisyon, pelikula,
komiks atbp.
Nung
lumaki na ako at nahimasmasan, nadiskubre kong hindi talaga ako ipinanganak sa
Planet X at sinugo sa daigdig upang maging superhero. Bilang tao, oo pwede pa
rin kong tumulong sa kapwa. Pero bilang isang Red Maskman na may special power
at higanteng robot, malabo yun. They are all but fiction.
Pero aminin natin, we still have this inkling hope na sana nga, totoo sila.
Umusbong
na parang warts ang superhero films in 2000. Ang pagkabuhay na maguli ng mga
ito, na sa nakaraang panahoy mababasa lamang sa mga komiks at graphic novels,
ay parang indikasyon ng kalagayan ng mga tao sa kasalukuyan. We need them at
this point in time.
Sa
pelikulang Pinoy, superheroes are somewhat satiric. Parang isang joke. Pati
yung kalaban parang joke rin. It has something to do siguro sa pagiging
masayahin ng Pinoy. We want a serious matter be presented in a lighter
approach. Nandyan yung toilet humors sa Captain Barbel ni Bistek, kenkoy na
approach ni Lastikman, pumapunchline na si Volta, Kiti-kiting galaw ni Booba,
at mga beking jargon ni ZsaZsa Zaturnnah.
Pero
nageevolve rin sila katulad ng mga unggoy sa theory ni Darwin. Mula sa
nakakatawa, naging dark at serious na ang mga bida natin. Tignan nyo yung mga
recent na sumulpot na heroes sa telepantasya, hero-serye at komik-serye.
Marunong na rin tayong maglagay ng malalim na kwento behind their lives. At
dahil don lumawak ang audience nila, hindi na lang bata, kasama na ang teens at
gurangs.
Kanya
kanyang seryosong conflict na. Meron dyan, finding his true identity or finding
the purpose of his existence. Lalim di ba? Malalim pa sa aral ni Moses. Kahit
sila, nalilito na rin sa tunay nilang pagkatao. They are created to represent
the hopes, aspirations and desperation of people for peace, prosperity and
human essence.
Panandaliang
tumatakbo tayo sa problema by watching these hero films. Since nagaganap ito sa
isang isolated area, Pinoys also tend to isolate themselves from the real world
to the imaginary universe that these films have created. We relate our crisis
while inside that fictional world. Lahat guni guni. Resulta, false hope.
Nung 2003, nung hindi pa magkakilala si Bong Revilla at Janet Napoles, bumida siya sa Captain Barbell movie which became the top grossing MMFF entry in that year. Tingin nyo, bakit naging box office si Teng despite poor reviews from movie critics? Andyan yung comment na masyadong matanda na raw si Ogie Alcasid sa role na Enteng and Bong Revilla didnt fit the role of Captain Barbell as compared to Herbert Bautista several pork barrel scams back. May kinalaman marahil ang Oakwood mutiny on that same year. I was in Makati when the mutiny happened and i saw the huge tanks and trucks right before my eyes. Who do you wanna call in times like these? Siguro si Darna dahil na pwedeng makipag peace talks sa mga militar? Or si Lastikman na di tinatablan ng bala. Guess what? They came. Darna and Lastik both showed up in the Captain Barbell movie.
Nung
sumunod na taon, 2004, binuhay naman si Enteng Kabisote. Dati sa 90's sitcom
lang siya kilala at mula sa Okay Ka Fairy Ko kung saan wala pa siyang masyadong
moral responsibility sa planet earth. Tinawag si Enteng Kabisote ng
pangangailangan.
Enteng
Kabisote 1 had reference in kidnapping issues (when Santana kidnaps Faye) and
environmental issue (water dam crisis). These issues were possible
call-for-attention to the coming president of our country during that time.
Remember, 2004 we held the National Presidential Elections kung saan naluklok
si Ate Glo. Si Santana, played by Bing Loyzaga is a super villain who wants to
rule the world with her evil intentions. Pero siyempre just like the typical
superhero films should end, the good must win over the evil. Malinaw na
representation ito ng aspiratoon of Filipinos for a good leader of the country.
Si pareng Enteng sumisimbulo sa hope -- tulad ng hope nating magkaroon ng
tagapagtanggol ng ating Perlas ng Silangan.
Fast
forward to 2006 (insert fast forward sound effect here), which i think was one
of the tragic years for Filipinos on the 21st century. We had the Wowowee
stampede earlier that year, then Mt Mayon eruption sometime August and Guimaras
oil spill right after. Ang lala. We needed rescuers.
Sa parehong taon sinilang si Super Inggo sa dos. Sa dami ng trahedya, kelangan natin hindi lang isa kundi grupo ng tagapagligtas. Ayun, naimbento ang Power Academy. Ito yung parang training school para sa mga superheroes. It might symbolize the aspiration of Pinoys for a better armed forces. This was in relation to the recapture of Marine Capt Nicanor Faeldon in January 2006 who escaped in Philippine Army last December 2005.
2006
din pinalabas ang pelikula ng superherong kayang magpatumba ng higanteng palaka,
mga patay na bumangon sa hukay at mga dark Amazonas -- si Zsa Zsa Zaturnnah.
Interesante dahil ang gumanap ay si Zsa Zsa Padilla na katukayo ng fictional na
bida at kaapilyedo naman ng human alter ego na si Rustom Padilla. Excuse me
muna kay Bebe Gandanghari.
Noon
mga panahong ito katatapos lamang bumuga ng abo at lava ng Bulkang Mayon, which
left the area to alert level 4. Sa mga ganitong sakuna kasama na ang horrifying
Wowowee stampede, ang ating mga kababayan ay nakahanap marahil ng sister/brother
to lean on in Zsa Zsa Z at katulad ng ating bida nakaranas din siya ng takot at
pangamba. Pero sa huli'y ipinakita naman na hindi permanente ang problema at
malalampasan din natin ang mga ito.
Few
years later, mga bagong crisis ang kinaharap ng mga Pinoy. Bago matapos ang
dekada, pumanaw si Tita Cory noong August 1, 2009. And on the same year, the TV
series version of Darna came out. Sa lahat ng superheroes ng Pipinas, si Darna
na yata ang deserving na tawaging Pambansang Superhero. Si Darna at si Cory Aquino
ay parehong idolo ng bayan. Parehong matapang at maka-masa. But despite Darna's
powers, she has shown sign of weakness. She is vulnerable to confusion,
emotional breakdown and even sickness. Hindi siya immortal. Isa rin siyang
taong may kahinaan. Hindi perpekto si Darna. Una, lumaki siya sa orphanage.
Pangalawa, nakasaklay siya. Pangatlo, may mga times na feeling nya hindi nya
kayang ipagtanggol ang mundo dahil sa kalagayan niya. There was a part on the
series when Narda had a hard time whether to accept the moral and social
responsibility. Pano na kaya kung di niya tinanggap ang offer na maging unpaid
employee of defending the world?
The
first casualty of H1N1 virus was reported in the same year as well as the
declaration of Martial Law in Maguindanao. Nakakastress ito lalo na nung sabay
na kinuha sa'tin ni Lord si Cory. Though Darna almost declined the
responsibility, she accepted it anyway. Kahit medyo hurt siya dahil kaagaw nya
ang baby loves nyang si Eduardo kay Valentina.
These
superheros have special skills, agility and strength that a normal person
cannot posses. Limitless sila sa mga pwedeng gawin to save the earth, to defend
the people, to help the needy, to achieve justice and to beat the evil. At
hanggang telebisyon, komiks at pelikula lang sila. Isama na natin ang mga
dayuhang bida na si Superman, Batman, Thor,Wolverine etc. Lahat sila ay nahulma
mula sa ating mga guni guni. Sila yung ideal na nilalang sa mundo ng mga tao.
Sila yung pinapangarap nating maging tayo, or atleast maging katuwang natin sa
buhay. Sila ay nabuo out of our hopes, aspiration and frustration of peace,
prospherity and security.
___________________________________
photo
credits:
Zsa
Zsa Zaturnnah: bachelor-gurl.livejournal.com
Laser
Squadron Maskman: journeyofthepinkline.blogspot.com
Captain
Barbell: edgarebro.blogspot.com
Gloria
Arroyo: philippineinquirer.blogspot.com
Super
Inggo: test3.tfc.tv
Cory
Aquino: www.lovelyphilippines.com
Pinoy Superheroes:
www.picstopin.com
Sabado, Marso 30, 2013
How To Be A Part Time Game Show Contestant
Hindi ako biniyayaan ng good looks. Nung nagsaboy ang Diyos ng kagwapuhan, tulog ako. Pero when He showered confidence, i was so prepared that i had a drum with me. Kaya never kong pinangarap maging artista. Pangarap ko lang maging isang sikat na personality. At naisip ko na ang pinaka shortcut to fame ay ang mga gameshows.
Early 2000 nagsimulang umusbong kaliwat kanan ang mga gameshows. Mas maganda nga namang panoorin ang mga tao on their natural response to stimuli. May aliw at entertainment factor. Not scripted kaya unpredictable ang kalalabasan. At yung moment na habang nanonood ka ay mapapasabi ka ng "ay ang tanga mo!" o di kaya naman sinisigaw mo na yung sagot, "Letter B!!!" as if naririnig ka ng contestant eh hindi naman live.
I utilize my confidence in joining game shows and contests. Gameshows are my guilty pleasures.
Sa una, oo bilang stepping stone sa inaasam kong limelight. Pero eventually, unti unting tumitimo sa aking balintataw ang true essence of being a gameshow contestant. Ang papremyo.
Jackpot man yan o consolation prize, pera man o face cream na galing sa Bench na pinamigay nung sumali ako sa The Price Is Right, O di kaya naman waffle sa 1 Vs 1000 or Shawarma sa GameKnb bilang pameryenda sa mga contestant.. Ang premyo ay premyo. Mamatay na ang sumasali sa gameshow at pag natalo ay sasabihin nyang "Hindi ko naman talaga inasam na manalo, ang mahalaga ay may natutunan ako..blah blah ay makasama ko kayo blah blah at maging proud ang mga magulang ko sa aken oink oink.." MUKHA MO.
I think pwedeng gawing trabaho ang pagiging game show contestant. Para lang yang contractual job na “NO WORK, NO PAY” ang set-up. Parang real estate agent na once maka-jackpot sa benta, tiba-tiba agad. Ganun din sa pagsali sa game shows. Tiyagaan. Pag nanalo, boom! Instant milyunaryo. Pero tandaan, isinasabak mo ang buong oras at pagod mo sa pila, screening at auditions.. Maliban dun, isinasabak mo din ang buong pagkatao mo, mula sa posibleng kahihiyan na makita ng mga tao mula sa’yo on national TV.
Job Title: Part Time Gameshow Contestant.
Why not? Nagbabayad rin kami ng tax. Imagine, pag nanalo ka ng 100 thousand ang maiuuwi mo lang ay papatak sa 70-80K. Unless may disclaimer yan na "tax free." Isa ka sa nakikinabang sa kaban ng bayan na umaasa sa easy money dahil sa gameshows, tapos sisingilin ka pa sa tax? Eh ang namimigay naman ng premyo e yung mga sponsors nung show. Meron pang rule na kapag less than 10K ang premyo mo, pwede mo na siyang iuwi after the taping/live show. Pero pag more than 10K na yan, after 1 to 2 months mo pa yan makukuha sa cashier. I have a friend, Carol whom i brought with me in The Price is Right na nanalo ng tumataginting na 5K at naiuwi nya ito kaagad. (Pero ang literal na naiuwi nya sa bahay ay 3K dahil nilibre nya kaming 9 na kasama nya after nung taping hihihih..) Kaya next time na mabalitaan mo yung kaibigan mong nanalo ng 50K sa isang noontime show, wag ka muna umasa sa balato. Wala pang iuuwi yan. Nganga muna for a month.
Plano mong maging isang Part Time Gameshow Contestant? Bibigyan kita ng tips.
MAGTEXT. Hindi kukuha ang tv gameshow ng record ng pangalan mo sa BIR o census para mabunot at maging instant contestant. Digital na ang registration ngayon. Most of them require you to text. Just have an eye for details. Minsan hindi valid ang text registration pag mali ang code.May cellphone ka di ba? Lahat tayo meron. Ano naman ang 2.50 sa isang one time registration? I remember when i registered for Game Knb nung si Kris Aquino pa ang host at solo pa bawat contestant. After some time when Edu Manzano took her place saka pa lang ako nakareceive ng text invitation to audition for the show and i was asked to bring 2 companions. See, may bunga ang paghihintay. Well I didnt really wait for it since i thought balewala na yun, pero gumising na lang ako isang araw na tinawagan ako ng talent coordinator.
PUMILA.Yung iba nirerequire pa pumila mismo sa studio, as audience tapos bobolahin ka na lang pag nandun ka na mismo. Parang sa Eat Bulaga at Showtime. Hindi lahat ng nandun, audience na gusto lang manood ng live. Ang iba, andun at nagbabakasakaling mabunot, mapili at manalo. Dapat pogi at maganda ka. Wear your Sunday dress. Magpulbo, magretouch, mag ayos ng sarili. Sa maniwala ka o hindi, mayroong facial discrimination sa tv. Malamang para ganahan ang tao na makita ka.Nung mag sample sample ako sa Showtime, hindi ko talaga inakala yun. Thanks sa mga kaibigan kong ibinenta at ipinakanulo ako kay Kuya Kim kapalit ng robotics dance na ginawa ko on National TV. Anne Curtis commented na kay Kuya Kim ko daw natutunan yung sayaw ko hahaha
KONEKSYON. Ngayon pa lang maghanap ka na ng kaibigan o kamag-anak ng nagtatrabaho sa TV network. May ibang reality shows diyan na sasalihan mo tapos nung nakita mo na yung mga napiling contestants, hindi mo naman sila nakita sa audition. At meron naman talaga silang "special auditions" para sa mga models na may kanya kanyang handlers at agency. Deal with it. You dont wanna watch Survivor or Pinoy Big Brother pag puro pangit ang casts. There has to be at leat 2-5 goodlooking people in the group. Eye candies.
When i joined 1 vs 100, it was an accident. My former professor who used to be a Deal or No Deal contestant received a text from a talent scout and she was looking for 10 dean's listers who will be part of teh 100 mob versus Piolo Pascual. At dahil makapal ang mukha ko at medyo may kataasan naman ang grades ko, nagprisinta akong sumali.
I used to work for MTV. Eh kulang ng talent, so they made me an instant contestant.It was filmed at Greenbelt 3. Dun sa may podium in front of starbucks. It was aired the following week and my brother saw me dancing Soulja Boy.
FLEXIBLE SCHEDULE. I was in a call center when i started this kind of job. During our exams for Game Knb it was
11am. Ang out ko nun 7am, i took a nap for 2 hours then derecho sa ABS-CBN. Partida pa, may shift ako kinagabihan. Natapos ang screening ng 4pm. Borlog ako nun. On the taping day i was late to work for 2 hours. Nagalit ang supervisor ko nun. Pero they didnt know na defending winner na kami nun so parang di namin naabsorb yung galit ng boss dahil nanalo kami. It was just hard keeping it as a secret to your friends until the day of airing of your episode. On my Minute to Win it try out na natapat ng Tuesday, i had to work on a Saturday just to have a rest day that Tuesday. May kaunting sakripisyo. May effort. Ang premyo o kahit ano pa mang reward yan ay hindi darating sayo kapag walang manifestation of passion.
SPOILER ALERT. OO kahit ganito ako, marunong akong magtago ng sikreto. Tulad ng naishare ko kanina, our Game Knb success was a secret until the day it was aired. On the first episode we ended up winning and so the show had to continue our defending winner episode on the following day. My family and friends asked me, "so ano mangyayari bukas?". Ooops. sorry. My lips are sealed. Wala akong choice. May piniramahan kaming kontrata na wag muna itong ipagsasabi kahit kanino. Saka it's for your own good naman. Your friends and family will surely watch it since curious sila sa outcome ng game mo. I did the same thing during my 1 vs 100 stint. They didnt have a clue until i got eliminated from the 36 remaining mobs.
MALAKAS NA SIKMURA. Pipila ka ng pagkatagal tagal. Dapat hindi ka gutumin. Always bring a biscuit with you. Ako i always bring eggnog on my auditions. Bawal kasi ang foods sa studio, well at least kung eggnog ang dala mo, you can just put it in any corner and pockets of your bag. Bawal din ang bottled water so make sure you sikmurang Camel ka.
MAKAPAL NA MUKHA. Wag kang mag-aaudition sa Minute To Win It o Hole In The Wall kung ayaw mong maging katawa tawa. Parte ang embarassment diyan. Bakit pag nanalo ka ng isang milyon matatandaan pa ba nila na nahulog ka sa tubig una ang apdo? Kakausapin ka ni Kris Aquino o ni Edu Manzano tapos speechless ka? Not so good to watch. Ang hinahanap ng mga talent coordinator ay yung makakapal ang mukha. Yung feeling close sa lahat ng staff. Oops careful lang ha. There is a thin line between confident and annoying. Marami akong kilalang ganyan. Yung nakasabay kong nag audition sa Minute to Win It na feeling close sa lahat ng staff, 5K lang ang naiuwi.
EXAMS AND INTERVIEWS. Magdala ka ng bolpen. Lahat ng pakontes may fifill-up-an na form. Oh remember, single or married ang ilalagay sa CIVIL STATUS ha, hindi FILIPINO. During the screening sa Game KnB there were 50 plus teams who took the exam. And sa course ng screening may mga natatanggal agad. Luckily, my team made it. Before the live show sa The Price Is Right, isa isa kayong magpapakilala sa talent scout.
PRACTICE.Kung quizshow yan, review. magbasa basa. Sa 1 vs 100, I got eliminated after the question: Sino ang pinakamatandang member ng Apo Hiking Society? If it requires a physical skill, try mong mag jogging sa umaga or mag-inat inat. Practice what you see on tv. Practice the mechanic. Be ready, coz some of the auditions have "mock game" Pag sinabing MOCK GAME, paglalaruin ka ng dry run pero hindi pa taped or aired. For audition purposes lang. They will assess you on how you perform para may idea sila kung papaano ka maglaro sa actual game.Masaya ka ba panoorin? Sulit ba ang air time na iaaksaya nila sayo kapag ikaw na ang maglalaro? Tataas ba ang ratings sa episode mo? May chance ka bang manalo?
KWENTO NG BUHAY MO. Bago ka sumali sa gameshow i-assess mo muna yung sarili mo. Interesante ba ang buhay mo? Kung hindi, i-try mo bukas umakyat ng bill board. Ayan, may baon ka nang kwento. Ano yung bagay sa buhay mo na bebenta sa kanila? Weird ba yung trabahomo? ikwento mo. wala ka bang butas sa pwet? ilantad mo. May sipon ka ba? idolfenal mo.
Walang masama kung medyo dadagdagan o babawasan mo yung kwento ng buhay mo. White lies. Halimbawa nahulog ka sa bike when you were young. Pwede mo ikwento na simula noon bumaba ang self esteem mo at hindi mo na pinagkatiwalaan ang sarili sa bisikleta at ang epekto nito ay pagbaba ng grades mo na naging sanhi ng tampuhan nyo ng tatay mo. Yung tipong ganyan.
ANO ANG GAGAWIN MO SA 1 MILLION? sa lahat ng sinalihan ko,ito yung question na hindi mawawala. "Tutubusin ko yung nakansalang bahay namin", "Pag-aaralin ko ng mga kapatid ko", "Papagawa ko po ng pustiso ang nanay ko" ay ilan lang sa mga nailagay ko ng sagot sa tanong na yan. Pagnilay nilayan mo to.Baka naman you are not deserve of that, ibalato mo na lang sa mas nangangailangan. Wag mong ilalagay na sagot ang "Ipaparenovate ko po yung swimming pool namin" o di kaya "bibili po kami ng bagong chandelier".
Sana nakatulong ako. Based ito sa sarili kong karanasan kaya medyo reliable naman. Basta enjoy life to the fullest. Pangit pag boring ang buhay. Sa pagsali sa mga palarong ganito, nag enjoy ka na,may chance ka pang manalo.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)